Saturday, April 08, 2006

Naiirita ako...

(NOTE: I have to write this entry in Filipino because I need to be careful here. And it's more convenient for me to express myself in Tagalog when I'm being a drama queen. I have to admit that my Filipino grammar isn't that great. Owing to my upbringing in Tacloban, I learned English and Waray before I learned to speak Tagalog. At any rate, I like to cuss in Tagalog/Waray/Bisaya when I'm pissed off. For the English translation of this post, e-mail me at silver_scrawl [at] yahoo [dot] com.)

Sobrang hitad talaga 'yung ibang mga kamag-aral ko. Nakita ko iyon ngayong hapon lang. Alam kong likas na buraot (pasensiya na sa salitang ginamit ko) ang iba sa kanila ngunit di ko akalaing manghihitad rin ang ilang tao na itinuring ko pa namang kaibigan. Nga yawa hira!

Anong gagawin mo kung sinagot mo ang isang "inosenteng" tanong ng isang kaklase mo sa isang paraan pero iba pala ang tinutukoy mo doon sa binigay mong kasagutan? At anong gagawin mo kung biglang gamitin ng mga hitad ang sagot mo laban sa 'yo, kahit ilang beses mong ipaliwanag kung ano talaga ang tinutukoy mo? Hindi naman sa hindi ako marunong tumanggap ng mungkahi o pagwawasto galing sa iba. Kung mali ako o meron akong hindi naintindihan, tatanggapin ko iyon. Pero nahalata ko lang kung sino sa mga kasama ko ang gustong magbigay ng klaripikasyon...at kung sino ang gustong magpasikat. Nakita ko kanina kung sino ang interesadong ipagdiinan ang pagkakamali ko--o ang simpleng sablay ko--para ipamukha sa akin na tama sila at mali ako, na magaling sila at tanga ako, na malayo ang mararating nila at wala akong binatbat sa kurso kung saan kami nagpupursigi sa kasalukuyan.

Sus ginoo. Nananahimik naman ako at gusto kong manatiling ganito habang nandito ako.
Aminado naman ako na may mga bagay ako na hindi nalalaman, lalo na't baguhan ako sa larangan na pinasukan ko at ako ang pinakaunang miyembro ng pamilya ko na sumabak sa ganitong klaseng pag-aaral at mga gawaing kaugnay nito. Kung gusto nilang pagkatuwaan ang simpleng pagkakakamali ko o ang pagka-ignorante ko sa mga bagay-bagay, magpakasaya sila. Hindi ko sila papatulan.

Pero tao lang ako para hindi mairita...o masaktan.

8 Comments:

At April 09, 2006 6:53 AM, Anonymous Anonymous said...

hi Di!mukhang naha highblood ka,sis!
Ang puso mo..,ingatan lang...

pero mahirap talaga ang katayuan natin,lalo na sa ibang bansa.."survival of the fittest",ang laban..

we have to face the fact that we cant please everybody,merong totoo,merong hindi..,hindi lang sa yo nangyayari yan.

you just have to express your anger,gaya nitong ginawa mo,and dont mind the people around you soo much..
oo nga,it hurts.,pero,at least ngayun pa lang ay nakilala mo na kung sino ang tunay mong friend at kung sino ang di dapat itreasure...relax=)

ingat sis!take it easy...
luv yah!

 
At April 09, 2006 11:37 AM, Anonymous Anonymous said...

bayaan mo sila
wag mo pahalatang inis ka
tawa ka lang
hanggang sa sila ang mairita :)

 
At April 10, 2006 12:29 AM, Blogger soul-seeker said...

Ate Ghee: Oops. Pasensya na, bad trip talaga ako n'ung ginawa ko ang post na ito kahapon. Salamat sa concern mo. It means so much to me. I'm okay now--hindi na mainit ang ulo ko, hehe :)

You're right, "survival of the fittest" talaga dito. And we can't please everybody. Nakakapikon lang pag tinatapakan ka kahit nananahimik ka naman. So I just had to express my anger and frustration through this post, as you observed.

I agree with what you said--for what it's worth, I know who my true friends are here.

Salamat ulit, sis! You don't know how much you helped keep me sane through your advice. Luv you too!

 
At April 10, 2006 12:32 AM, Blogger soul-seeker said...

Melai: Korak! Salamat sa payo mo. Di na ako magpapaapekto...masira pa byuti ko. Kaya tatawanan ko na lang sila...hahaha :)

Hay...life!

 
At April 10, 2006 7:47 AM, Blogger M said...

oi! sister, marunong ka rin palang magalit? hehehe...cheer-up lang kita dahil sa tono ng pagsusulat mo ngayon gusto mong pumatay ng ipis hahaha! o, tawa naman dyan :P.

may mga ganyan talagang tao at kaibigan. hayaan mo na lang sila. basta malinis ang konsyensya mo at wala kang inaapakan na tao at hindi naman siguro sumasakit tyan mo so, DEADMA! babalik din sa kanila yon. mga yawa sila! hahaha!

 
At April 12, 2006 8:40 AM, Anonymous Anonymous said...

Ay, huli na naman ako dito.
mainis sila ng todo basta hwag kang paapekto jan :) wala ra sila katunga sa imo, kataw-i nalang na diha hehhe

 
At April 16, 2006 12:37 AM, Blogger soul-seeker said...

Ate Malaine: Hahaha :) Korek ka diyan! Okay na ako ngayon. Thanks for your concern and advice. You're right--di ko na sila dapat problemahin lalo na kung alam kong wala naman akong ginawang masama.

Thanks for keeping me sane! TC!

 
At April 16, 2006 12:40 AM, Blogger soul-seeker said...

Nang Ethel: Haha :) Mao gyud! Di ko na pinoproblema 'yun...nakapagpalipas na ako ng sama ng loob, LOL :)

Thank you for your concern!

 

Post a Comment

<< Home