Thursday, May 11, 2006

Masama ang loob ko

Babala: May mga hindi kanais-nais na salita dito. Kung minor de edad ka o ayaw mong makabasa ng mura sa blog ng may blog, 'wag mo na lang basahin ito.

Babae ako. Bata pa ako. At sino bang makakalimot na dayuhan ako sa lugar na ito? Hindi madali ang buhay ko dito dahil sa mga nabanggit na aspeto ng aking pagkakakilanlan. Dahil sa istruktura ng lipunang ito, ang aking kasarian, ang aking edad, at ang aking lahi ang siyang nagiging dahilan para api-apihin at tapak-tapakan ako ng ibang tao.

Ganoon na nga ang nangyari sa akin ngayon. Inalimura ako ng dalawang tao dito--isang guro sa departamento na kapitbahay namin (lalaki siya, puti, at may edad) at ang sekretarya ng departamento na kinabibilangan ko (babae siya, puti, at may edad na rin). Itago na lang natin sila sa pangalang BG (Buraot na Guro) at AS (Asungot na Sekretarya).

***

Panahon na para sa kahuli-hulihang pagsusulit ng mga estudyante ko para sa semestreng ito. Dapat bukas pa ng hapon ang eksamen nila pero nakiusap ang ilan sa mga estudyante ko kung pwede daw nilang kunin iyon ng mas maaga. Iba-ibang dahilan ang binigay. Nagpakahirap akong magreserba ng silid-aralan na gagamitin para sa magkaibang araw at inalimura pa ako ng taong tinawagan ko. Sa awa ng Diyos, may nakuha rin kaming kuwarto. Hindi nagtugma-tugma ang mga iskedyul ng mga estudyante ko kaya naglaan ako ng oras noong Martes at ngayong araw na ito para lang magbigay ng eksamen sa kanila. Kahit kinailangan kong bawasan ang oras ko sa isa kong trabaho para sa linggong ito, ginawa ko iyon para hindi na nila ako kulitin (masyado yata akong mabait at mapagbigay).

Para sa araw na ito, ipinareserba ko ang silid-aralan mula alas-onse ng umaga hanggang alas-tres ng hapon. Sa umaga lang kasi pwedeng kumuha ng eksamen ang ibang estudyante; ang iba naman, sa hapon lang libre. Wala namang naging problema sa mga estudyanteng kumuha ng eksamen kaninang umaga. Pero noong tanghali, habang sinisimulan ni K, ang isang estudyante ko, ang eksamen, biglang pumasok si BG sa kwarto, dala-dala ang kanyang baon. Nang malaman niyang nakareserba ang kwarto para sa amin, nagalit siya, sabay hirit: "Hindi ito dapat nakareserba kapag oras ng pananghalian." (Sinabi niya 'yon sa Ingles.) Nanliit ako. Tama bang pagsalitaan niya ako ng ganoon sa harapan ng estudyante ko?! Akala mo may pinapagalitan siyang bata, eh guro rin kaya ako! Malay ko ba na eksklusibong tambayan nya at ng mga kasamahan niya ang silid-aralan na iyon? Eh ang silid-aralan na iyon ay nakalaan para sa pagbabasa at pagkaklase...hindi para sa mga naghahanap ng lugar kung saan sila pwedeng mananghalian. Putang ina, may sarili namang opisina, mesa, at upuan ang hitad. Bakit di na lang siya kumain doon?

Dahil nag-iisa lang naman si K at ayoko ng gulo, nagpasya na lang ako na huwag na lang gamitin ang kwartong nakareserba para sa amin. Hinabol ko si BG at sinabi ko sa kanya na gamitin na lang niya ang silid-aralan na inaangkin niyang tambayan. Sa bandang huli, nagdesisyon ako na kunin na lang ni K ang eksamen sa opisina ko dahil meron namang bakanteng mesa.

Pag-alis ni K, dumating naman si N, isa pang estudyante ko. Dahil hindi siya sumipot sa oras na sinabi niya (dapat alas-onse ng umaga), hindi ko inasahan na darating pa siya kaya nawala sa isip ko na abangan siya sa labas ng opisina ko. Pumunta si N sa kwartong nakalaan para sa amin. Nalito siya nang makita niya ang mga gurong nagtipon-tipon doon kaya hinanap niya ako. Nagkataon na nasa pasilyo si AS. Sinabi niya kay N na pumunta siya sa opisina ko. Iyon nga ang ginawa ni N. Ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyari. Hindi naman siya nagreklamo noong sinabi ko sa kanya na kunin na lang niya ang eksamen sa opisina ko.

Habang sinasagot ni N ang eksamen, biglang pumasok si AS sa opisina ko. Ni hindi siya kumatok. Ni hindi rin niya tinanong kung pwede ba niya akong makausap. Tinalakan niya ako sa harapan ni N. Ilan daw ba ang estudyante ko at bakit hanggang alas-tres ng hapon ang reserbasyon sa silid-aralan? Ano bang paki niya, eh pinayagan naman kaya ako! Ginawan rin ng isyu ni AS ang hindi ko paggamit ng silid-aralan noong mga sandaling iyon--eh ginawa ko naman kaya iyon para magbigay-daan kay BG. Sinabi ko na tapos nang kumuha ng eksamen ang karamihan sa mga estudyante ko. Ayoko nang humaba pa ang usapan. Nang makita ni AS na mag-isa lang si N na sumasagot ng eksamen, siguro naintindihan niya ang punto ko. Sinagot rin niya ang sarili niyang tanong at bigla na lang siyang umalis. Pero lintik, napahiya talaga ako sa tono ng pananalita niya. Punyeta, kung makasalita siya, akala mo tatanga-tanga ako. Muntik ko na siyang murahin pero pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil nandoon si N--kailangan kong magsilbing modelo para sa estudyante ko. Ngunit nasaksihan ni N kung paano ako winalanghiya ni AS.

Pagpasok ko sa isa ko pang trabaho kanina (oo, lagare ako sa trabaho), kinuwento ko sa bisor ko ang nangyari. Saka ko lang nahinuha na ganoon ang trato nina BG at AS sa akin dahil babae ako, bata ako (kung ikumpara mo ako sa ibang guro), at dayuhan ako, hindi puti. Iyon rin ang pananaw ng bisor ko. Kung ang kaharap daw ni BG ay kapwa lalaki na kasing-edad niya o mas matanda sa kanya at kalahi niya--lalo na kung puti-- malamang, hindi siya mag-iinarte. Sa kaso naman ni AS, nabanggit ng kasambahay ko dati na masama talaga ang ugali noon sa mga hindi puti, pati nga sa mga may kapansanan. Kung tratuhin daw niya ang mga taong hindi puti o may kapansanan, akala niya ay tatanga-tanga sila at wala daw talaga siyang respeto sa kanila.

Nakakalungkot isipin na bagamat tinuturo ko sa mga estudyante ko na may iba't ibang uri at anyo ng diskriminasyon--ayon sa kasarian, kulay ng balat, lahi, at edad ng tao, at iba pa--hindi ko maipagtanggol ang sarili ko kanina habang inaalimura ako ng mga taong akala mo kung sino porket puti sila at nakatatanda sila sa akin. Iyon ang iniyakan ko kanina.

Pasensya na, masama lang talaga ang loob ko dahil sa engkwentro ko kina BG at AS. Wala naman akong ginawang masama pero agrabyado pa tuloy ako. Hay...sana lumipas rin ito.

18 Comments:

At May 12, 2006 12:15 AM, Blogger balikbayan_box said...

hope you will feel much better having let it all out here in this post pero sana naman these BG and AS tubuan ng pigsa sa pwet nila hehehe

HONDURAS? wow inggit naman ako yata dapat mas mainggit sa iyo panay ang biyahe mo.

ingat ka ok?

 
At May 12, 2006 12:30 AM, Blogger soul-seeker said...

balikbayan box: Ayeza!!!! Uy musta ka na? Long time no hear, ah.

I'm still reeling from the incident :( But I feel slightly better after expressing my feelings in this post. As for BG and AS...hay, Diyos na bahala sa kanila. Isusumbong ko sila kay JC (Jesus Christ), hehe :)

Yup, I'm doing volunteer work in Honduras. I didn't plan on this; it just fell into my lap. I'm excited! 'Yun na lang ang iniisip ko, now that things are kinda crazy here.

Salamat sa iyong concern :) Ingat ka rin! Na-miss kita!

 
At May 12, 2006 6:16 AM, Blogger UNCLE FOTO. said...

take a deep breath.

kakatanda yun at kakasira ng beauty mo. patawarin nalang.

anyways gusto ko sana kopyahin yun isang photo mo. hehehe. di yung nakasibangot, di a.

 
At May 12, 2006 10:33 AM, Blogger soul-seeker said...

Air Milikay: Hehe :) Ay, oo nga pala, ang wrinkles...at ang puso ko! LOL :)

Oops, sorry, di pwedeng kopyahin ang picture ko. Mahiyain po ako.

 
At May 12, 2006 2:44 PM, Anonymous Anonymous said...

Just randomed in-hi I am from Milwaukee!! your neighbor almost-My girl is from Mindanao and still in the philippines-take me along on your trip==Hee! anyway miss all the friendly people and the warm weather!! bye 4 now--Jerry

 
At May 12, 2006 3:07 PM, Blogger Ann said...

Oks lang yan maglabas ng sama ng loob. Para gumaan naman pakiramdam mo.

Strange place ...strange people....

Hope you're ok now.

 
At May 12, 2006 4:26 PM, Blogger nixda said...

E-diatabs mo lang yan suesse! hehehe

wag gaanong magpapagod ... TC! mwuahhh

 
At May 12, 2006 5:37 PM, Blogger soul-seeker said...

Jerry: Hi, neighbor! Where in Mindanao is your girlfriend from? I've never been there myself.

Thanks for the visit :) Take care!

 
At May 12, 2006 5:40 PM, Blogger soul-seeker said...

Mommy Ann: Hehe :) Eto, mas okay na ang pakiramdam ko ngayon...kahit nakasalubong ko si AS ngayon lang.

Hay...tama po kayo,
I'm in a strange place with such strange people. Sabi niyo nga, ipagdasal na lang natin sila. Di na ako magpapaapekto.

Thanks for your concern! Ingat po kayo lagi!

 
At May 12, 2006 5:43 PM, Blogger soul-seeker said...

Mommy Neng: Bwahahahaha :) Wala po akong Diatabs dito eh. Meron po ba kayo n'un? Pahingi!

Hmm...susubukan kong magpahinga pero di pa pwede kasi kailangan kong mag-compute ng grades para sa dalawang klase, LOL :)

Ingat rin po kayo! *mwah*

 
At May 13, 2006 1:34 AM, Anonymous Anonymous said...

Argh! na highblood ako dito ah! ansarap liparin ang BG at AS na yan sabihin mo Di tatadyakan ko sila, nahawaan na ata 'to sa pagka waray mo!
Grabeh naman, naalala ko dati bago pa lang ako sa trabaho ko sa Dubai tas sinisigawan ako ng amo ko sa harap ng mga cliente, aba! kala ng arabo tahimik lang ako, sinabi ko talaga sa harapan nya, na hwag mo akong sigawan sa harapan ng tao dahil nahihiya din ako, ano kaya kong gawin ko rin yan sayo, huh! mula nun di na sya naninigaw, kala nya di ko sya pagsabihan kase kala nya dati im 15 years old lang ayaw nyang maniwala na 21 na ako, hehe dinaya ko lang daw edad ko hehe... gago talaga yon, as in mula nang lumaban ako magka vibes na kami hanggang wakas naging ninong pa hehhe...
Kase alam mo, pag di ka lumaban mababa ang tingin sayo sa mga taong ganyan, anong tingin nila sayo taga linis ng paaralan nila, matalinong guro ka naman ah!
sabihin mo lang at bazookahin ko ang mga lang hiya na mga yan.
Happy weekend Di, hwag kana iyak jan naiinis nalungkot tuloy ako.
Happy weekend!
labyo sissi mwaahh

 
At May 13, 2006 1:42 AM, Blogger Ayie Marcos said...

Wag kang mag alala Tita. Ang mga taong ganyan tinutubuan ang bukol sa kili-kili!

Imadyinin mo na lang ang sakit ng bukol tas di pa nya maibabang kili-kili nya? ehehehe! pinapatawa lang kita.

Mas nakakaawang isipin na may mga pumapasang maging titer na tulad nila na wala sa tamang pag iisip. Antawag sa kanila "R-E-T-A-R-D-E-D"

Ok? Yaan mo, wag kamo silang gagawi sa Middle East at ikukula ko silang parang daing sa gitnang disyerto!

 
At May 13, 2006 3:11 AM, Anonymous Anonymous said...

baka naman me pagnanasa si BG sa yo at di mo pinapansin nyahahaha..

at si AS naman ay insecure dahil ikaw ay fresh, batang-bata at siya ay bilasa na hehehe..

tama lang yung ginawa mo... isa kang mabuting ehemplo sa mga estudyante.. mabuhay ka...

 
At May 13, 2006 4:49 AM, Blogger Mmy-Lei said...

wag mo nalang pansinin at baka magka-wrinkles ka pa.

basta tama ka! alam ng mga estudyante mo yun!

yosi nalang tayo.

 
At May 13, 2006 4:16 PM, Blogger soul-seeker said...

Nang Ethel: Sige nga, punta ka dito at pakitadyakan ang mga iyon para sa akin. LOL :) Nagkapalit yata tayo ng ugali...di na ako masyadong "isog", hehe :) Di ko tuloy naipakita ang pagka-Waray ko n'ung mga sandaling 'yon.

Hindi ko alam kung anong tingin ni
BG sa 'kin. Nakita niya siguro na estudyante ako at batang titser kaya akala niya madali akong tapakan. Si AS naman...naalala ko 'yung time na nag-usap kami bago ako magsimulang magturo noong isang taon. Diniktahan ba naman ako kung paano ako dapat magturo at makitungo sa mga estudyante. Pinagdiinan pa niya na kahit alam niya na nasubukan ko nang magturo para sa ibang department at college, iba daw ang sistema ng department namin. Parang gusto niya akong takutin. Kinuwento ko 'yun sa nanay ko kanina lang, at tinanong ng nanay ko: "Bakit, titser ba siya?" Hindi naman nagtuturo si AS pero kung makasalita siya, akala mo kung sinong beteranong guro. Wala talaga siya sa lugar kung tutuusin.

Pasensiya na, napa-
emote ako bigla. Tama ka, 'pag di ka lumaban, patuloy na magiging mababa ang tingin sa 'yo ng mga taong ganyan ang ugali. Kaya kailangan kong matutong lumaban, kahit pa-simple lang.

Salamat sa
concern mo. Okay na ako ngayon, di na umiiyak.

Happy weekend sa 'yo, sis. Love you rin! *mwah*

 
At May 13, 2006 4:24 PM, Blogger soul-seeker said...

Pipay a.k.a. Mommy Ayie: LOL :) Nabasa ko ang comment mo noong nasa opisina ako kanina (inumaga ako doon sa kaka-compute ng grades), at natawa talaga ako. Tawa ako nang tawa kahit mag-isa lang ako. Akala siguro ng tagalinis na naloka na ako. Salamat sa pagpapatawa sa akin, sumaya tuloy ako bago ako umuwi at natulog kanina.

Salamat rin sa payo mo. Oo nga, ituring na lang nating
"special people" 'yung mga 'yon. Tama ka, mas nakakaawa talagang isipin na nakakakuha sila ng trabaho sa paaralan ko--kung saan iba't ibang uri ng tao ang nakakaharap nila--kahit baluktot ang pag-iisip nila.

Ingat ka! Salamat ulit!

 
At May 13, 2006 4:42 PM, Blogger soul-seeker said...

Kneeko: Yuuuuuuuuck!!!Hmmm...tungkol kay BG, di naman siguro kasi di niya naman yata madalas na napapansin ang byuti ko, hehe :) Matanda na 'yon, walang face value tapos masama pa ang ugali--not my type, hehe :)

Si AS naman, ewan ko ba doon, nananahimik naman ako. Iniiwasan ko nga 'yon hangga't maaari kasi dati ko pa nakita na masama ang ugali niya.

Sana nga nakita ng mga estudyante ko na kahit inaalimura ako ng mga hitad, hindi ko sila pinatulan. Maswerte rin sina
BG at AS at di ko naipamukha sa kanila ang pagka-Waray ko noong mga sandaling iyon, LOL :)

Salamat sa iyong mensahe. Ingat po!

 
At May 13, 2006 4:44 PM, Blogger soul-seeker said...

Mommy Lei: Tumpak!

Tara, yosi na lang tayo. Pahingi ng yosi, naubusan ako dito,
hehe :) 48 years na akong di nagyoyosi. *wink*

Salamat sa advice mo. Ingat ka lagi!

 

Post a Comment

<< Home